Sana ako

tumblr_npklvq8kkp1qju2rxo2_540

Magpapakasarili muna ako…

Ito’y isang “sana”
na hindi tungkol sa isang pag-sisisi.
Ito’y isang “sana”
ng paghiling.
Paghiling sa nakaraang,
sana’y nangyari saakin.

Ngunit, ang dati ay hindi na maibabalik
Ang dati ay nakapako na sa nakaraan
Ang dati na hanggang dati nalang

Kaya heto ako ngayon,
Hanggang sa pagsusulat nalang ang kayang gawin
at paghihiling ng sana mula sa nakaraan.
At kaya heto ako ngayon,
aking ibubulalas ang kirot ng aking saloobin.
Magsasabi ng mga “sana”
na hinding-hindi na mangyayari.

Sana, ako yung nauna.
Sana, ako yung unang nagpatibok ng iyong puso.
Sana, ako yung unang babae na nagpalabas ng iyong matamis na ngiti
Sana, ako yung nakasama mo sa iyong ‘first date’
Sana, ako yung unang babae na hinatid mo pauwi
Sana, ako yung unang babae na nagparamdam sayo ng espesyal ka
Sana, ako yung unang inspirasyon mo sa lahat ng iyong gawain
Sana, ako yung una mong binigyan ng bulaklak
Sana, ako yung una mong minahal
Sana, ako yung una mong sinabihang mahal kita.
Sana ako yung una sa lahat.
Sana ako, sana ako.

Bagamat hindi.
Nauna siya.
Mahal, tayo man ngayon
nauna parin siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s