Dating kaibigan.

 

kaartihan copy.jpg

You greeted me like an old friend.

Magandang araw sa iyo.
Kumusta ka?
Tagal kitang hindi nakita.
Ngunit masaya akong nandito ka ulit.

Ako’y may pinagdaanan.
May ibang dumating habang ika’y wala.
Lagi niya akong pinapaiyak.
Lagi niya akong pinapalungkot.

Ginagawa ko ang lahat para siya’y paalisin,
Ngunit, mas lalo siyang nananatili pag nilalabanan ko siya.
Dumating na sa punto na sinasaktan ko sarili ko dahil sa kanya.
Dumating rin sa punta na ninais ko ng mamatay.

Wag kang mag-alala,
May mga ibang tumutulong saakin,
Para pabalikin ka.
Gumagawa ng mga paraan para ika’y tawagin muli

Sa totoo lang, hindi ka madaling tawagin
Kasi minsan mahirap kang abutin.
Mas malakas siya saakin.
Madalas kasi nahahatak niya ako pababa.

Subalit sa wakas nandito ka na.
Nalabanan ko siya ng matagal para lang makita kang muli
Kaya ngayon, ang saya saya ko.
Ang tagal kitang hinintay.

Alam kong may mga panahon na paalis-alis ka.
Segu-segundo,
Minu-minuto,
Linggo-linggo, nawawala ka.
Bagamat ako’y nandito para batiin ka parati.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s