Bantas ng pag-ibig

_DSC9422.jpg

“Mga simbulo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng isang wika.” Ayon kay pareng Wikipedia.

Bantas.
Mga simbolong tumutulong sa ating pagbabasa.
Pinapakita nila kung kailan tayo titigil,
Hihinga,
At Magpapahinga.

Kung iisipin niyo,
Para lang siyang damdamin.
May mga panahon na kailangan lang tumigil,
Huminga,
At Magpahinga.

Naisip niyo bang i-ugnay ang mga bantas sa pag-ibig?
Nakakita ako sa internet ng isang post na iniugnay ang bantas at pag-ibig.
Pinukaw nito ang aking isipan na gumawa ng aking sariling pag-uugnay.
Siguro, isang pahiwatig na rin ito para sa aking minamahal…

…ako’y magsisimula na.

Kudlit (‘)
Isang pananda na ako’y iyo at ika’y akin lamang.

Panipi (” “)
Upang maalala ko ang mga salitang “mahal kita” na nangaling sa’yong mga labi.

Tutuldok (:)
Isang paalala sa mga bawat oras na kasama ka.

Tuldokwit (;)
Mayroong panahon na gusto natin itigil ang isang situation, pangit man o maganda, ngunit kahit anong mangyari itinutuloy parin natin.

Padamdam (!)
Maaring matinding galit o kasiyahan. Isang paalala na tayo’y tao lamang.

Pananong (?)
Maraming tanong. May mga pagdududa. Maraming hindi sigurado.

Kuwit (,)
Pagkatapos lahat ng matinding dinadamdam, pinapaalala nito na kailangan na muna nating huminga at magpahinga.

Tuldok-Tuldok (…)
May mga araw na tayo’y matumal. Ngunit ‘di natin pinapabayaan matapos ang ating kwento.

Tuldok (.)
Madaming kahulugan ang isang tuldok. Maaring ito’y isang pagtatapos ng isang kuwento, ngunit mas pipiliin ko na…

…tayo’y may kailangang tapusin lamang. Babalik tayo sa isang kuwit para makapagpahinga. Babalik tayo sa panipi at ipaalala na mahal natin ang isa’t isa. At babalik rin tayo sa kudlit, na hanggang sa huli ako’y iyo at ika’y aking lamang.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s