Noon, Ngayon, Mapagkailanman

_DSC8873.jpg

Naalala, Nandito, Nakikita

Noon.
Naalala ko noong una kitang makita
Tuwing ika’y nasisilayan ako’y hiyang-hiya.
Naalala ko ang iyong unang mga ngiti,
Nang aking nakita ay tila ang puso ko’y lumundang hanggang langit.
Naalala ko kung paano mo ako unang nilapitan,
Para tanungin mo ang aking pangalan.
Naalala ko noong una tayong lumabas,
Na may halong kaba at kagalakan.
Naalala ko noong una mong sinabing “Mahal Kita”
Na matagal kong hintay na sa akin ay sabihin.
Naalala ko ang ating unang hindi pagkakaintindihan.
Na may halong sakit at kalungkutan.
Naalala ko noong una tayong nagkaayos,
At pinaalala kung gaano natin kamahal ang isa’t-isa.

Heto ang ating “noon”.
Hindi naging madali pa saatin.
Puno ng pagmamahalan, luha, at sakit ang dinanas natin.

Ngunit heto na tayo “Ngayon”.
Nandito ako ngayon sa harap mo.
Nandito tayo ngayon sa harap ng ating mga pamilya.
Nandito tayo ngayon sa harap ng Diyos,
At mangangako ng habang buhay na
Pag-ibig para sa isa’t isa.
Mangagako na kahit ano mang unos ang dumating sa ating buhay,
Mananatili parin tayong matatag sa isa’t isa.

At pagkatapos ng “Ngayon”,
Ipagpapatuloy na natin ang ating “Mapagkailanman”
Nakikita ko ang ating munting tahanan,
Na matagal nating pinaghirapan at pinangarap
Nakikita ko na ang mga pagkain,
Na iluluto ko sa’yo araw-araw
Nakikita ko na sa tuwing gigising ako sa umaga,
Ikaw ang aking makikita.
Nakikita ko na ang pagaalaga natin sa isa’t-isa
Kapag tayo’y may sakit.
Nakikita ko na ang magiging mga anak natin,
Na kahit hirap na hirap na sa pag-aalaga, tayo’y masaya parin.

At syempre,
Nakikita ko rin
Na ikaw ang makakasama kong tumanda sa mga panahon na dadating.

Aking iniirog,
Noon, Ngayon, at Mapagkailanman

Ako’y iyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s