Mahal Kita

_DSC8725.jpg

Mahal kita…ano pa ba?

Mahal kita.
Sa napakaikling pangugusap na ito,
Napakarami ang pwedeng isipin.
Minsan, pag nakarinig ka ng “Mahal kita”,
Isang napakatamis na ngiti ang mapapakita.
Ngiting abot tenga,
Ngiting hanggang mata ay nakikita.
Minsan naman, pag nakarinig ka ng “Mahal kita”,
Mapapatahimik ka nalang.
Katahamikang tagos sa iyong kumikirot na puso
Katahimikang na may kasamang luha
Na dumadaloy sa iyong mga pisngi.

Ang labo ng pangugusap na ito, no?
Nakakalito.
Hindi mo agad masasabi,
Kung ano ang ibig sabihin nito.
Isahin-isahin natin ang mga posibleng
Kahulugan nito sa isang tao.

Mahal kita,
Dahil ikaw ang nabibigay ng kulay sa aking buhay
Mahal kita,
Dahil ikaw ang aking noon, ngayon, at mapagkailanman.
Mahal kita,
Dahil isa kang mabuting kaibigan.
Mahal kita,
Dahil may kailangan ako sa’yo at hindi ako mabubuhay kung wala ka.
Mahal kita,
Dahil kailangan lang kitang mahalin
Mahal kita,
Kahit may mahal ka ng iba.
Mahal kita,
Dahil yun na lamang ang råson kung bakit tayo pa.
Mahal kita,
At mamahalin parin kita, kahit itaboy mo ako na parang isang basura
Mahal kita,
Kahit galit na galit ako sa’yo dahil sa pang-gagago mo saakin.
Mahal kita,
Kahit wala ka na sa piling ko.
Mahal kita,
At kaya kong tiisin lahat ng sakit sa aking puso para sa’yo.
Mahal kita,
At ang sakit sakit na.
Mahal kita.
Mahal kita.

Mahal
na mahal kita.

Hingang malalim

Mahal kita,
At ako’y nakahanda
Sa ganda at unos,
Na dulot nito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s