Paano ka ba basahin?

_DSC8857.jpg

Pwede mo ba akong turuan?

Paano ka ba basahin?

Hindi ka parang isang libro
Na kaya kong basahin,
Ng isang pasada.
Hindi ka parang isang larawan
Na kaya kong tingnan ang ginagawa,
Sa isang sulyap lamang.
Hindi ka parang isang luha,
Na kitang-kita ang pag-agos
Sa mga pisngi mong malalambot
Ang iyong dinadamdam.
Hindi ka parang isang matamis na ngiti,
Na ‘pag nakita ay
Tila mapapangiti ka rin.

Ikaw ay ikaw,
Na hanggang ngayon ay
Nananatiling misterio sa akin.
Lalo na sa mga panahon na ika’y nalulumbay.
Kahit ipakita ko masayang-masaya ako
Pag ika’y nasisilayan,
Nararamdaman ko na parang
Kulang pa rin ito.

Turuan mo akong basahin ka.
Ituro mo saakin lahat ng pwede mong ituro.
Ituro mo kung ano ang dapat kong gawin,
Kung ano ang dapat kong isipin,
Kung ano ang dapat kong sabihin.

Mali.
Payagan mo akong basahin ka.

Payagan mo akong alamin kung ano ang nararamdaman mo
Payagan mo akong gawin lahat ng aking magagawa.
Payagan mo ako kahit mahirap,
Masakit,
O Nakakalungkot.
Kaya at kakayanin kong marinig lahat dahil mahal,
Na mahal,
Na mahal,

Na mahal
Kita.

Paano ka ba basahin?

Alam ko na.
Mababasa lang kita kung papayagan mo ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s